Kung pwede ko lang lagyan ng rehas yung puso ko. Kung pwede ko lang pigilan yung puso ko na mainlove o ma-attach sa isang lalaki. Kung pwede lang talaga. Nakakapagod na. Nakakapagod ma-reject, nakakapagod masaktan, nakakapagod sumugal, nakakapagod umasa sa wala, nakakapagod maging option, nakakapagod magmahal. Nakakasawa na yung paulit-ulit na lang yung nangyayari. Ayoko na. Nakakapitong strike na ako. Kumalma ka naman puso! Magpahinga ka naman diba?

Source: omg-relatable

Natatakot ako. Kung hindi niya siguro sinabi yon okay pa ako. Pero punyeta? Anong kasalanan ko sa kaniya?

Gulo.

Me : Ang gulo mo promise. Ano ba talaga gusto mo?

Je: Ikaw.

Me: Anong klaseng sagot yan

Je : Sagot Pantao.

Me: Hay nako ang dami mong chicks diyan, ako pa talaga pinagtitripan mo

Je: Okay lang yun, love mo pa din naman ako.

Me: Ewan ko sayo, dun ka nga sa mga chicks mo.

Je: So ayaw mo na sa akin, ganon?

Me: Eh bakit ang drama mo?

Je: Hindi, tinataboy mo kasi ako.

Me: Kapag ba tinaboy ulit kita, magpapataboy ka ba?

Je: Hindi, Trip ko pang guluhin buhay mo eh.

Me; Tapos kapag magulo na  masaya ka na?

Je: Oo, yung tipong sirang sira na.

Me: Kapag pumayag akong sirain mo buhay ko. Sana bumili ka na lang ng barbie na pwede mong paglaruan o kaya naghanap  ka ng easy to get na chicks na papayag sa gusto mong mangyari.

Je: Yan ba seryoso na?

-

Hindi ako nakareply kasi nakatulog ako, pero promise. Ang gulo niya. Anong pinopoint out niya? Bakit gusto niyang sirain buhay ko?  Nagjojojke lang ba siya? Bakit parang seryoso siya? Hindi ko alam. Bigla akong natakot. Ano bang ginawa ko para gawin niya yon? Hindi ba dapat ako ang naghihiganti kasi iniwan niya ako sa ere 2 years ago tapos ngayon babalik siya na parang walang nangyari? Gusto kong malinawan. Bakit pa niya kailangan sabihin yung intensiyon niya? Para saan? 

So babalik ka na para bang walang nangyari? Babalikan mo ako pagkatapos mong sayangin yung mga panahon na nilaan ko sayo? Babalikan mo ako na para bang hindi mo ako sinaktan noon. Babalikan mo ako na parang ni minsan hindi nagkaroon ng ‘something’ sa akin. Ganyan ka ba talaga ka manhid? Grabe.

Hindi ko talaga akalain na niloko mo lang ako. Akala ko..akala namin..may something. Ako? nagpaloko sa isang kagaya mo. Ako? ginawang pampalipas oras at isang option. Congrats.

Taken na siya.

Wala ako masyado naramdaman. Hindi ako nasaktan. Oo, nagulat ako kasi hindi ko inexpect pero nagulat ako kasi hindi ako nasaktan, dapat iiyak ako. Dapat magmumukmok ako. Dapat mapapamura ako. Pero bakit nung nakita ko yung relationship status niya parang wala lang. Nanlamig kamay ko pero yun lang. Masakit lang siguro isipin na pinaglaruan mo lang ako, ginawa mo akong pampalipas oras. Pero salamat. Salamat dahil ginawa mo akong parte sa buhay mo, kahit sandali lang kahit panandalian lang. 

Alam mo yung napakapit ako sa katabi ko nung nagtext ka sa akin for.the.first.time. I know. Hindi tayo naguusap sa text or sa chat kaya naninibago ako kapag nagtetext or nagp-pm ka. Sabagay, wala ka namang ibang choice na tanungin kanina kundi ako lang. Eh saktong malolowbatt na ako, wala akong dalang charger kaya naghanap ako at pinilit kong makisaksak para lang mareplyan ka. Nataranta ako ng bahagya pero bakit ganun walang masyadong tibok ng puso na naganap? kinabahan ako oo, na-excite.. hindi masyado. Talagang nagulat lang ako. Hindi ba dapat makaramdam ako ng butterflies, ng kakaibang feelling lalo na’t first time kong makita yung pangalan mo sa inbox ko?  o talagang nawawalan ka na talaga ng halaga sa akin dahil mismo ako, hindi mo pinahahalagahan.


18 | Broadcasting Major | Blogger since 2009
| Web designer | Singer wannabe | Amateur Photographer | Kathleya Ph | Former Pilyangsupergirl




Ask

Super Duper Mega ultra Modified and Tweaked by Coolehiyala Original theme used : Lynx theme created by Andrew Stichbury for Tumblr.